mukha mo'y naiisip ko na.
Sa bawat ngiting sayo'y namumutawi;
hatid nito'y sayang walang patid.
Sa bawat araw na di ka mamasdan;
lungkot naman ang nag-aabang.
Aking mata'y nagiging aligaga;
sa paghihintay na ika'y muling makita.
Sa paglipas ng mga oras;
lalo kitang inaasam-asam.
Makapiling ka at mayakap;
Yan ang lagi kong dasal.
O, bakit ganito ang aking nararamdaman;
kahit batid kong di kita mahahagkan.
Pagkat alam kong puso mo'y nabihag na;
ng ibang ngiti, O ang sa aki'y paano na?
No comments:
Post a Comment